Practical Tips in Giving and Receiving Comments and Criticisms
Eto po ang ating House Rule # 8 & #9
8. Answer questions directly, stay “on-topic.” Strictly no unsolicited/OOT critiques, shares, advice or editing of shared photos. Be positive, constructive & brief-go direct to the point.
9. Write properly to the best of your ability. Tagalog/English/Taglish is OK but be clear. Strictly no foul, offensive, innuendo words. Disagreements are fine as long as done respectfully. No name calling & crass exchanges.
9. Write properly to the best of your ability. Tagalog/English/Taglish is OK but be clear. Strictly no foul, offensive, innuendo words. Disagreements are fine as long as done respectfully. No name calling & crass exchanges.
Para po sa mga naguguluhan sa House Rule na ito, ito po, bibigyan po namin ng ibayong paliwanag.
Ang ibig sabihin po ng House Rules na ito ay ang pagiging maingat at magalang sa mga binibitawan nating salita sa ating mga kapwa members – may it be a critique to a photo, or simpleng pag-comment lamang. Eto ay upang maiwasan na may ma-offend sa mga sinasabi ninyo, na maaaring pag-ugatan nang di-pagkakaunawaan between and among group members. In short, nakaka-negative vibes yan mga members.
Ngayon, paano po ba maging maingat at magalang sa ating pananalita? Siyempre, iba-iba kasi tayo nang kinalakihan at values in life kaya ang definition ng maingat at magalang sa pananalita ay magkakaiba rin. Maaring sa isang kagrupo ay rude na ang comment mo, pero sa iyo ay hindi pa. Baka makatulong ang mga tips na ito na i-enumerate ko sa baba.
SA PAGBIBIGAY NG KOMENTO:
1 1.) Think Before You Speak – pag-isipan po muna natin kung ano ang magiging epekto ng ating komento sa member na tatanggap nito; o sa iba pang makakabasa. Kung walang epekto/normal sa inyo pag sinabihan kayo ng mga salitang negatibo (e.g. “panget,” “hindi maayos,” “hindi tama yan,” “mali yang ginawa mo”etc.), lagi nating isipin na sa iba, maaaring nakakasakit ang mga salitang ito. Ang grupo natin ay isang samahan para mag-inspire sa isa’t isa and not to put anyone down.
2 2.) Deflect Negative Comments – kung may mga negative comments kayong nakita, huwag na tayong makisali pa. Huwag na ma-carried away. Sa halip, magbigay na lang ng positibong komento. Again, ang grupong ito ay para maginspire at may matutunan ang mga miyembro, hindi para magbigay ng negative vibes sa mga kasapi nito.
3.) Choose Your Words Carefully – Maging aware po tayo sa mga gagamitin nating salita sa pag-express natin ng ating sarili. Pwede naman po kasi tayong mag-comment choosing words na hindi mean or ang magiging dating ay “know-it-all” tayo. Kapag hindi rin natin napili ng maayos ang ating mga salita, minsan, ito ay nagdudulot nang pagpkapahiya sa taong tumatanggap, at ayaw rin natin itong mangyari sa ating grupo. Mamaya, mas ipapaliwanag ko pa how we choose words carefully.
4 4.) Consider the other person's viewpoint and acknowledge it – Upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan sa ating grupo, ugaliin din po nating isipin kung anong pinanggagalingan ng ating kagrupo at irespeto po natin ito. Hindi naman tayo pare-pareho ng ugali, o values, o taste, so magrespetuhan na lang po tayo, imbes na ipilit natin ang pananaw natin sa iba. Sabi nga, “Let’s Agree to Disagree.” Ang bonus point dito is, kung naramdaman siguro ng kagrupo mo na naiintindihan mo sila, eh baka mas makinig pa sila sa sinasabi mo. Pag inumpisahan agad ng rude comment, ang tendency ng tatanggap ay maging defensive, o gumanti.
5 5.) Be gracious even when you're irritated – Keep your cool and speak positively/kindly kahit naiinis ka na. Kung hindi man, wag na lang pansinin ang negative comment. Para hindi na rin humaba. Again, ang grupo ay para maginspire at para may matutunan sa photography, hindi para makipag-bangayan. We could ban members na palaaway.
6 6.) Be respectful – when you think before you speak, and you choose kind words, and you will earn respect. In essence, you will be respected kung ikaw din ay rumerespeto sa iba.
SA PAGBIBIGAY NG CRITIQUE SA PHOTO
Ang atin pong keyword dito ay “Constructive Criticism.” Ugaliin po nating magbigay ng constructive criticism sa pamamagitan ng mga tips na ito:
1.) It’s not about your opinion or taste – Mas magiging effective po ang ating critique kung ang ating pagpuna ay nakabase sa general rules ng photography - composition, exposure, lighting technique, color etc. Iwasan po nating mag-criticize na nakabase sa ating subjective preferences or taste. Magkakaiba po tayo ng style, iba’t iba rin ng level of experience kaya wag po nating i-treat na ang ating personal taste or style ang measure ng good photography. Learn to differentiate between taste and technique. Your taste is not universal.
2 2.) Pay attention to the purpose of the photo – I-review po muna natin ang intensyon nang pagkuha ng photo bago tayo magbigay ng puna. Maaaring kaya ganoon ang exposure na ginamit nya kasi masayang family-portrait ang gusto niyang iachieve; at baka kaya madilim ang exposure na ginamit niya dahil moody, dark editorial piece ang intensyon ng photographer. Maaring hindi sumunod sa rule of the thirds ang composition, dahil street photography ang kuha nya at hindi portrait shot, o macro shot.
3 3.) Reframe your words – Konektado ito sa choose your words correctly. Reframing simply means stating the same idea in another angle. Eto ang mga examples:
Rude:
“Hindi maganda ang exposure mo. Panget din 'yung highlights.”
Constructive:
“Nacapture yung mga expressions kaya ang ganda nung kuha at parang pwede pa iimprove yung exposure. Medyo madilim kasi kaya nawala yung detalye sa highlights.”
Reframing Tips:
Remove words that could hurt the emotions or mga mapanghusgang adjective (“panget,” “hindi maganda”). Only state facts by explaining the reason why (“medyo madilim yung exposure KAYA nawala yung detalye sa highlights”) and using general photography techniques (“pwede pa iimprove yung exposure").
Watch your pronouns kung magbibigay ng puna. Using the word “you” makes people feel attacked (“Hindi maganda ang exposure MO).
Wag kalimutang i-acknowledge yung positive ng photo (“Nacapture yung mga expressions kaya ang ganda nung kuha).
Iwasan ring gumamit ng mga salitang “but,” “however,” “no offense” “pero” “kaya nga lang” etc. Mas magandang gamitin ang salitang “and” or “have you thought”. Kagaya nito:
Rude:
“Nacapture yung mga expressions kaya ang ganda nung kuha PERO parang pwede pa iimprove yung exposure.”
Reframed:
“Nacapture yung mga expressions kaya ang ganda nung kuha AT parang pwede pa iimprove yung exposure.”
Eto pa ang isang halimbawa ng reframed words/constructive criticism:
“Nacapture yung mga expressions kaya ang ganda nung kuha at parang pwede pa iimprove yung exposure. Medyo naging madilim kasi kaya nawala yung detalye sa highlights. Madalas talagang naeencounter eto ng mga photographers na kagaya natin. May mga naging kuha rin akong ganito dati.
Sa example na ito, gumamit ng mga salitang “I,” “we,” “ako,” “tayo.” Eto ay nagbibigay ng impression sa tumatanggap ng critique na hindi lamang sya ang nagkakaroon ng ganitong experience; hindi sya nag-iisa on the journey to improvement at ang mismong pumupuna sa kanya ay nakaka-experience din ng pagkakamali. Kumbaga, we are all learning together as photographers.
Sa paggamit ng reframed words, maaari rin ang ganitong pamamaraan - ang paggamit ng sariling experience upang magbigay ng critique/advice:
“Nacapture yung mga expressions kaya ang ganda nung kuha at parang pwede pa iimprove yung exposure. Medyo naging madilim kasi kaya nawala yung detalye sa highlights. Madalas talagang naeencounter eto ng mga photographers na kagaya natin. May mga naging kuha rin akong ganito dati.
“Sa experience ko, naimprove ko ang pagtimpla ko ng exposure nung nagsimula ako magiko-ikot sa park with my camera. Sa park kasi, may mga dark and light areas. In this way, napractice ko ang tamang exposure setting, at paano magswitch agad agad ng setting. Your photo is impressive and I look forward to seeing more of your work."
4.) Be careful and aware when using emoticons – Some emoticons could be inappropriate. Halimbawa, may nagpost ng photo for critique or just for sharing tapos ang emoticon yung “haha.” Parang words den, think before you click an emoticon and choose the right ones. The right ones are those who will not hurt the feelings of the receiving person.
***
Mahaba ung mga sentences for constructive criticisms. Mas shortcut yung hindi na lang. Pero isipin po natin na hindi po tayo face to face naguusap kaya mas magiging maayos ang pagsasama kung maganda ang words. Kahit nga in person hindi ba pag offensive magsalita, nagiging cause pa rin ng conflict?
Also, kahit we know each other from our names, in essence, hindi pa rin natin ganon kakilala or kaclose ang mga fellow members natin; strangers pa rin sila in one way or the other kaya, mas maige na maging magalang tayo sa mga pananalita natin sa lahat ng oras.
Maging Tactful po tayo. Ang sabi nga po ng henyong si Isaac Newton,
“Tact is Making a Point Without Making an Enemy.”
Finally, kung hindi naman po nanghihingi ng critique, eh wag na po tayo pumuna. Minsan, nagshishare lang naman ang mga tao ng photo kasi masaya lang sila, or proud lang sila sa photo na yun.
***
Ngayon, kung talagang may mga nahihirapang maging tactful sa pananalita -
ETO NAMAN ANG TIPS PARA SA MGA TUMATANGGAP
NG COMMENTS AND CRITICISMS:
1.) You automatically open yourself up to comments and critics when you post photos online - Pag nagpost ka ng photo online, you open the opportunity for comments and criticisms; dahil magkakaiba – iba nga ang tao, hindi mo makokontrol o madidiktahan ang tone kung paano ipapahatid sayo ang comment or criticism. Kumbaga, that’s the risk you took when you shared your photo. Kung magra-rant sa grupo, isipin niyo rin kung anong magiging epekto nito sa mga makakabasa at kung makakatulong ba sa mga kagrupo natin.
2.) All critiques are not created equal – Kung manghihingi ka ng advice or comments online that usually reaches a vast diversity of people, always remember na ang nagbibigay ng advice ay may kanya kanya photographic journey – may experienced at may newbie – so iba’t iba ang level or lalim ng advice. Each person, no matter what the experience is has something to bring to the plate, so everything could be a lesson learned as well.
3.) The 1:3 Rule – Kung makatanggap ka ng maraming comments at may isang nagsabi na, “Nalungkot ako sa kuha mo,” when your shot is a happy maternity shot, siguro, pwede mo na palagpasin yun. Let go mo na lang. Nagiisa lang naman eh. Baka that person is just having a bad day, or iba lang talaga ang taste nya. Or hindi sya tactful sa mga sinasabi nya. Pero kung may mga tatlong comments na with the same content, pwede mo nang bigyan ng pansin upang iimprove ang kuha mo.
4 4.) There are no failures, only lessons – Sadyang may mga tao talaga na harsh magsalita, and wag nating hayaan na bumaba ang self-esteem natin sa pagkuha ng photo dahil dito. Tandaan: There are no failures, only lessons. Learn to separate your work from yourself. Ang mga puna ay hindi paghusga sa pagkatao mo. Basta’t kunin mo lang kung anong sa tingin mong makakatulong sa iyo bilang photographer (kahit gaano pa ka-harsh ang pagkakasabi), and you’ll be surprised how fast you grow as an artist.
5 5.) Don’t feed the trolls – In short, wag ka nang pumatol. Minsan, how people say words reveal more of who they are as a person, so don’t let these people affect you. Again, sayang sa energy. Magpractice shoot ka na lang or magbasa about photography – dun mas may matututunan ka kesa makipagtalo sa group dahil lang hindi mo nagustuhan ang sinabi sayo.
Pasensiya na po at napahaba. I just wanted to be exhaustive and give practical tips. :-)
Now, if you see rude remarks and comments in our group, as we have always said – PLEASE REPORT TO US THESE INAPPROPRIATE COMMENTS BY SENDING US A SCREENSHOT AND/OR THE LINK OF THAT THREAD. We will investigate and will remove or ban members that do not follow House Rule No. 8 and 9.
Sources for the post:
https://psychologyforphotographers.com/a-crash-course-in-the-art-of-constructive-critique
https://fstoppers.com/critiques/how-give-and-receive-constructive-criticism-right-way-170095
Comments